Wednesday, October 24, 2018

Ibat-ibang Uri ng Punongkahoy at Bungangkahoy

Ang Kalamansi ay isang maliit na prutas na karaniwang nasa kusina natin. Ang prutas na ito ay naparaming gamit  gaya ng masarap itong pang maranade, pangtanggal lansa sa isda, pampaputi sa balat, pangtanggal mantsa sa damit, deodorant, mabisang gamot sa ubo,pangtanggal dundruff,nagpapakapal ng buhok at marami pang iba.





Ang Malunggay ay mayaman sa bitamina at sustansiya. Isa ito sa tinuturing na "superfood" ngayon. Ito ay tinatawag din na Miracle Tree dahil sa dami na nagagamot nito. Ito ay nakapagpapalakas ng katawan, mayroon itong medicinal properties na nakakatulong sa pagamot ng diabetis at sakit ng ulo,masisiguro ang kalusugan ng atay at kidney at mabisa rin itong panlaban sa impeksiyon at nakakatulog din ito sa mabilis na paggaling ng mga sugat. Ilang lamang ito sa madami pang benipisiyo na makukuha sa halamang kahoy na ito.








Ang puno na Kaimito ay isang mataas na puno na may palapad at malambot na mga sanga. Kilala ito dahil sa bilugang bunga nito na maaaring  kainin, matamis at kadalasang kulay lila ang kulay nito.Ang mga bahagi nito gaya ng balat ng kahoy, dagta,buto, bunga at dahon ay mabisang gamot sa pagtatae, bulate sa sikmura, lagnat, diabetis, pulmonya. altapresyon at sugat.




Ang puno ng Acacia ay mataas at malaki na may malalapad na mga sanga. Ang bulaklak nito ay kulay pink at hibla hibla, habang ang bunga nito ay kahalintulad naman ng sampalok. Ang balat ng kahoy, dahon, at ugat nito ay nakakagamot ng pagtatae, pananakit ng ulo, sore throat, pananakit ng sikmura, altapresiyon, tuberculosis at Eczema.



Ang Umbrella Tree (Salaysay) ay mainam na silungan kapag tayo ay naiinitin. Ito ay may mamalaking dahon na kung pagmamasdan ay naghuhugis Payong.Masarap itong silungan kapag naiinitan tayo dahil, nakapagbibigay ito ng malamig na simoy ng hangin.



Ang Manga ay ang ating Pambansang Prutas. Ito ay may ibat ibang uri gaya ng Indiyano, kinalabaw. piko o manggang mansanas. Ito ay masarap isawsaw sa suka, bagoong o asin kapag kinakain na hilaw at ginagawa naman panghimagas kapag ito ay hinog na.





Ang puno ng Niyog ay isa sa mga kilalang halaman na maraming gamit mula ugat hanggang sa mga bunga nito.Maaari itong makuhanan ng langis, mga sangkap sa lutuin gaya ng gata, suka,at ubot. Ginagawa din itong materyales na kahoy, alak at marami pang iba.Ang bunga nito ay nakakagamot din sa paggamot ng panunuyo ng balat, sore throat, paglagas ng buhok, hirap sapag ihi at marami pang iba.





Ang bunga ng Kamias (Pias) ay puno na katamtaman lang ang taas at may bunga na namumukadkad sa mismong katawan ng puno.May agking asim ang bunga nito na madalas ginagamit na pangsigang at pangtanggal ng mantsa sa mga damit. Ang mga dahon, bunga, at bulaklak nito ay maaaring gamot sa pangangati ng balat, iritasyon sa mata,almoranas, beke, pagtatagihawat, rayuma, ubo, lagnat, beriberi. at scurvy.



Ang Atis ay kilala dahil sa bunga nito na paborito ng maraming Pilipino. Mayroon itong berde, bilugan ngunit may mga umbok umbok na bunga na may maputing laman at maiitim na mga buto. Ang dahon, bunga, buto, balat ng kahoy, at ugat nito ay nakakagamot ng pagnanana ng sugat, kuto at lisa, pagtatae, bulate sa tiyan, rayuma, pagkahimatay, kagat ng insekto at diabetis.


Ang Indian Tree ay tinatanim bilang pangdagdag na dekorasyon ng bakuran. Ito ay nakapagdudulot ng masarap na simoy ng hangin dahil sa malalagong dahon na taglay nito.






Ang Native Mansanas ay isang puno na namumunga ng maliliit na hugis bilog na bunga na kasing lasa ng mansanas. Kapag tag ulan ito ay namumunga ng napakarami. Masarap itong isawsaw sa suka at asin. Ito ay masustansiya at mabuti para sa ating puso.





Ang puno ng Mahogany ay isa sa  pinakamatibay na puno.Ito ay isa sa mga pangunahing materyales na ginagamit sa mga Furniture business. Madalas matatagpuan ang mga ito sa mga gubat at bundok.





Ang Bayabas ay isang prutas na kilalang mayaman sa bitamina A at C.Ito ay ginagamit bilang halaman gamot dahil sa taglay nitong antiseptic  properties na nakakatulong sa pagpapagaling ng sugat, ulcer, impeksiyon na sanhi ng bacteria at pagtatae. Ang dahon din nito ay ginagamit na panghugas at panlaban sa pamamaga ng balat.


Ang Paper Tree ay isang uri ng kahoy na matayog. Ang katas galling sa puno nito ay ang siyang ginagawa nilang papel. Ito ay kadalasan matatagpuan sa mga gubat at bundok.




Ang Narra ang Pambansang Puno ng Pilipinas dahil sa anking tatag nito. Ito ay matayog at matibay. Ang dahon at bulaklak nito ay kinakain.Ginagamit din itong mabisang lunas s mga sakit sa pantog, sakit sa bato ,malimit na pagbabawas at edima. Ang kahoy naman ay ginagamit sa paggawa ng bahay at muwebles.



Ang Chico ay masarap at matamis kainin kapag ito ay hinog na. Ito ay sagana sa iron, calcium, copper, magnesium, pottasium at phosphorus. Mabisa din itong gawin antioxidants. Ang Fiber nito ay pinapalusog ang ating Puso.

1 comment:

  1. Play at WynnBET Casino - JTM Hub
    Learn more about the WynnBET casino in Las 성남 출장샵 Vegas, NV. 계룡 출장샵 Guests 제천 출장샵 who enjoy a free breakfast credit of $25 per 속초 출장샵 person 울산광역 출장안마 will receive

    ReplyDelete